Sa Dulo ng Lagusan

Akalain mo ‘yon…

Pwede pala na mahanap mo ang purpose mo sa buhay, pero instead na ikasaya mo, it’s little by little killing you inside. Parang itim na usok na unti-unting bumabalot sa kalooban mo, at kailangan mo pigilang umabot sa labas dahil walang pwedeng makakita.

Mapapaisip ka tuloy…

Dapat ba talaga na masaya ka kapag nahanap mo ang purpose mo sa buhay? O baka naman hindi ito ang purpose mo sa buhay dahil nga hindi ka masaya–dahil nga dapat masaya ka kung totoong ito ‘yon.

And then you think some more…

Ang selfish mo. Wala kang karapatan maramdaman ‘yon. Wala kang utang na loob. You’re just having a delusion of grandeur. Magpasalamat ka na lang. Move on. Give back. Feel not. Say naught.

Magsipag. Magsipag. Magsipag. ‘Pag pagod na, magpahinga. Matulog.

Tutal, sa tulog, makakahinga ka.

Sa tulog may ibang buhay. Minsan nakakatakot, minsan nakakainlab, minsan nakakahibang. Pero ibang buhay pa din.

And then little by little, as each part inside you is taken over by the black smoke, you dream less. Until you forget to dream at all.

You forget to dream. Or maybe, you just choose to forgo it entirely…

Dahil ang pangarap, hindi para sa lahat. Totoo, libre mangarap. Pero hindi naman lahat ng libre, para sa lahat.

Kalimutan na lang. Dun ka na lang sa purpose mo. Hindi ka naman nag-iisa na nababalot ng itim na usok.

Basta huwag mo hahayaang lumabas. Huwag.

Leave a comment