Why can’t we love the right people? What is so wrong with us that we rush into situations to which we are manifestly unsuited, which will hurt us and others? Why are we given emotions which we cannot control and which move in exact contradiction to what we really want? We are walking conflicts, internal battles on legs.

 – Marian Keyes, The Other Side of the Story

Kumusta ka? Buhay ka pa ba? O nananaginip lang?

Totoo pala na minsan, the best ideas come to you in dreamsOr, so I think. At least, I think it does.

Uncencored kasi ang mga panaginip. Mga ideya ito ng ating subconscious; walang pagpipigil. Walang inhibitionsOut of this world, locked up in the backs of our minds.

Pumasok sa isip ko ang pangalan ng blog na ‘to nung tunog nang tunog ang alarm ng cellphone ko dahil kailangan ko gumising nang alas-siyete. Alam kong nananaginip ako, pero gising din. Siguro naghahalo ang puyat, antok, gutom, at deliryo sa utak ko, na biglang naiisip ko ang salitang talahiban.

TalaStar. Celestial body. Gaya ng totoong pangalan ko.

TalahibWeeds. Wild plants. Mahirap tanggalin. Wild. Parang ako (daw). Huma-highschool lang ang peg sa pagsasabing “wild,” kahit hindi naman talaga ganoon ka-wild. Kasi ang totoo, mabait naman ako sabi ng nanay ko.

Talahiban. Pwede ring may kinalaman sa totoong pangalan ko. Kasi yung pinanggalingan ng pangalan ko ay isang Diyosa (Yes? Diyosa daw???) na in-charge sa mga tanim. Kayang palaguin ito, at kaya ring sirain sa isang pitik. Kung may talahib ang isang sakahan, masisira ito. Unless na lang siguro kung walang mga tanim ang sakahan. Sa tagtuyot maraming talahib.

Sabi ko, ang corny naman ng pangalang “talahiban.” Ni hindi ko nga alam kung bakit ko naiisip ang salitang ‘yon.

Tapos naisip ko, “Gumawa ka na kasi ng blog! Ang tagal mo na gusto magsulat. Gawin mong title ng blog mo ‘yan. ‘Talahiban.'”

“Ayaw mo ng corny o boring? O sige, ‘TalaHIBANG.’ Tutal kinakausap mo naman ang sarili mo. Hibang ka naman,” sabi ko nga sa sarili ko.

HibangDelirious. Minsan ganoon ako. gaya ngayon. Confused thinker. Bakit ko ba kasi iniisip ‘to, ang aga-aga?

Disrupted/Interrupted lagi ang atensyon. Dapat gumagawa ako ng trabaho ngayon eh.

O kaya laging excited. Gaya ngayon. Excited lang ako kasi may naisip akong title ng blog. Buti sana kung mapanindigan ko ang pagsusulat dito… Hindi. Paninindigan ko. Sayang naman ang pagregister ko nang isang minuto! That’s one minute of my life I’ll never get back.

May mental disturbance daw ang hibang, pero hindi naman siguro ako ganoon ka-mentally-disturbed. So far.

Pero sino nga ba ako? Matagal ko nang tanong din ‘yan sa sarili ko. Malay natin, dito ko pala mahanap ang sagot sa tano’ng na ‘yan. Sa tuwing mananaginip ako, mabibigyan ko ng linaw kung sino ba talaga ako at mailalathala ko dito, hindi lang sa pangalan. Bigyan sana ako ng lakas, oras, at talino ng universe para ipagpatuloy ito. ‘Wag sana akong excited lang.

Basta sa ngayon, habang nasa page ako nitong WordPress, ako si TalaHibang.